Cha-Ching Financial Accreditation (CCFA)
  • Tungkol sa CCFA
  • Prudence Foundation
  • Ang Aming Kasosyo
  • Mag log in / Magrehistro

Wika

English

Vietnamese

Bahasa Malaysia

Bahasa Indonesia

Filipino

Thai

Patakaran sa Pagkapribado

Kami, Ang Prudence Foundation [1] Ay Mataimtim Sa Pag-iingat Ng Lihim At Proteksyon Ng Inyong Pansariling Datos.

Kaya Naman, Itinakda Namin Ang Mga Impormasyon Sa Ibaba Tungkol Sa Pagproseso Ng Inyong Pansariling Datos, Kung Ano Ang Inyong Mga Karapatan At Kung Paano Ninyo Maipaaabot Ang Inyong Nais Pang Malaman.

Kapag Sinabi Naming “pansariling Datos”, Tinutukoy Nito Ang Impormasyon Tungkol Sa Iyong Sarili, Tulad Ng Iyong Pangalan, Petsa Ng Kapanganakan At Mga Detalye Ng Pakipag-uugnay . Hihingan Kayo Ng Pansariling Datos Na Kailangan Lamang Upang Mabigyan Kayo Ng Produkto O Serbisyong Inyong Hinihiling O Pagtalima Sa Itinakda Ng Batas O Ng Pangangailangan Ng Kontrata. Kung Hindi Ninyo Maibibigay Ang Tiyak Na Pansariling Datos Na Kailangan, Ikinalulungkot Namin Na Hindi Kayo Mapaglilingkuran.

Maaaring Mabago Itong Abiso Sa Pribadong Karapatan Sa Tuwina, Mangyaring Tingnan Ito Sa Cha-Ching Financial Accreditation (CCFA) Website. Hinihikayat Namin Kayong Bisitahin Ang Aming CCFA Website Sa Tuwina Dahil Sa Ang Pinakahuling Nakapaskil Na Abiso Sa Aming Website Ang Siyang Bibigyang Halaga Kaysa Sa Mga Naunang Bersyon Ng Aming Abiso Sa Pribadong Abiso.

Bahagi A - Pansariling Datos Na Pinoproseso

  • pansarili At Matatawagang Detalye, Tulad Ng Titulo, Buong Pangalan, Detalye Ng Maaaring Matawagan At Mapagtanungan;
  • petsa Ng Kapanganakan At Kasarian
  • detalye Ng Mapadadalhan Ng Liham, Email, Tirahan At Paaralan
  • tala Ng Inyong Ugnayan Sa Amin Sa Pamamagitan Ng Telepono At Email At Kung Makikipag-ugnayan Kayo Sa Amin Gamit Ang Serbisyong Online, Detalye Ng Lokasyon Ng Inyong Mobile Phone, IP At MAC.

Bahagi B - Saan Kukuha Ng Pansariling Datos

Linilikom Namin Ang Pansariling Datos Direkta Mismo Sa Inyo, At Sa Kahit Anong Impormasyon Mula Sa Website Cookies, Sa Iyong Paaralan At/o Sa Mga Lokal Na Awtoridad Sa Edukasyon Patungkol Sa Pagpapatupad Ng Kurikulum Ng Cha-Ching.

Bahagi B.1 - Patakaran Ng Cookie

Ginagamit Ng Pook (site) Ang Cookies Upang Maibukod Kayo Mula Sa Ibang Pang Gumagamit Ng Aming Pook (site). Tumutulong Ito Upang Mabigyan Kayo Ng Magandang Karanasan Kapag Ginamit Ninyo Ang Pook At Ng Pagkakataon Upang Mapaunlad Pa Namin Ito. Ang Cookie Ay Isang Maliit Na Hanay Ng Mga Letra At Numero Na Inillalagay Sa Inyong Browser (gamit Sa Paghahanap Ng Impormasyon Sa Kompyuter/internet) O Hard Drive (imbakan Ng Mga Datos Sa Kompyuter). Malaya Ka Na Tanggapin O Tangihan Ang Cookies Sa Pamamagitan Ng Pagbabago Ng Ayos Ng Inyong Browser. Kung Nais Ninyong Baguhin, Pumunta Lamang Sa Help Menu Ng Inyong Browser.

Ginagamit Na Mga Uri Ng Cookies:

  • Lubhang Kinakailangang Cookies.

    Ito Ang Cookies Na Kailangan Para Sa Pamamalakad Ng Site (pook). Tulad Halimbawa Ng Cookies Na Makapagpapasok Sa Iyo Sa Aming Tiyak At Ligtas Na Site.
  • Mapanuri/Gumaganap Na Cookies.

    Ito Ang Nagpapahintulot Upang Makilala At Mabilang Ang Bumibisita Sa Aming Site At Makita Kung Paano Kumilos Ang Mga Bisita Sa Paggamit Nila Ng Site. Ito Ay Tumutulong Upang Mapaunlad Kung Paano Tumakbo Ang Site, Tulad Halimbawa, Matiyak Na Madaling Makikita Ng Mga Gumagamit Ang Kanilang Hinahanap; At
  • Gumaganang Cookies.

    Ito Ay Ginagamit Upang Makilala Kayo Kapag Bumalik Kayo Sa Aming Site. Ito Ang Nagpapagana Upang Magawang Personal Ang Nilalaman Para Sa Inyo, Batiin Kayo Sa Inyong Pangalan At Maalala Ang Inyong Mga Kagustuhan (halimbawa, Ang Gusto Ninyong Wika O Rehiyon).
  • Ikatlong Partidong Cookies.

    Ito Ang Cookies Na Itinakda Ng Namamahala Bukod Sa Website Na Binibisita Ng Gumagamit. Kapag Ang Gumagamit Ay Bumisita Sa Website At May Ibang Nagtakda Ng Cookie Sa Website Na Iyon, Ito Ngayon Ang Ikatlong Partidong Cookie. Ang Cookies Na Ito Ay Itinakda Ng Ikatlong Partido Na Kung Saan Ang Serbisyo Ay Idinagdag Sa Aming Pahina.

Sa Patuloy Na Paggamit Ng Site, Tinatanggap Mo Ang Patakaran Sa Paggamit Ng Cookies Na Binalangkas Sa Itaas.

Bahagi C - Paano Ginagamit Ang Pansariling Datos At Bakit

Kami, Ang Prudence Foundation, At Ang Prudential Corporation Asia Ay Gagamitin Ang Binigay Na Personal Na Datos, Kasama Ang Iba Pang Impormasyon, Sa Sumusunod Na Mga Layunin:

Layunin

Batayang Legal Sa Pagproseso

Makapagbigay Ang Administrasyon Ng Cha-Ching Financial Accreditation (CCFA) Ng Pagtataya, Sertipiko At Pagkilala Sa Inyo Bilang Bahagi Ng Programang Pangkurikulum Ng Cha-Ching.
Makapagbigay Ng Daluyan Ng Pagtatanong -tulad Ng Pagsagot Sa Tanong, O Upang Ipaalam Na May Pagbabago.
Kinakailangan Para Sa akreditasyon O Upang Maisagawa Ang Mga Hakbang Na Kailangan Bago Kayo Tayahin.
Makapagsagawa Ng Pananaliksik At Pagsusuring Istatistikal (kabilang Ang Paggamit Ng Makabagong Teknolohiya) Sa Pagpapaunlad Ng Serbisyo At Impormasyon Inihahatid Sa Mga Gumagamit Nito.
Lehitimong Interes Sa Pagdidisenyo At Pagpapaunlad Ng Website, Pagpapalago Ng Negosyo At Pagkuha Ng Pananaw Kung Paano Ginagamit Ang Aming Produkto.
Pahintulot Mula Sa Pinagmulan Ng Datos Sa Pagproseso Ng Sensitibong Pansariling Impormasyon Kung Kinakailangan.

Bilang Karagdagan, Gagamitin Ng Prudence Foundation, At Ng Aming Kasosyo JA Asia Pacific Limited Ang Pansariling Datos Na Ibinigay Ninyo Kasama Ang Iba Pang Impormasyon Sa Direktang Pagpapadala Sa Inyo Ng Mga Kaugnay Na Impormasyon Ng Cha-Ching At Anunsiyo Sa Pamamagitan Ng Elektoniko At Hindi-elektronikong Paraan. Ang Aming Batayang Legal Sa Pagprosesong Ito Ay Batay Sa Inyong Pahintulot.

Kanino Ibinabahagi Ang Pansariling Datos At Bakit

Ibabahagi Ang Inyong Pansariling Datos At Ang Impormasyon Ng Pagtataya Ng CCFA Sa Aming Kasosyo JA Asia Pacific Limited Maging Sa Inyong Paaralan At Lokal Na Awtoridad Ng Edukasyon Sa Konteksto Ng Pagpapatupad Ng Kurikulum Ng Cha-Ching At CCFA At Sa Layon Ng Paggawad Ng Pagkilala.

Maaaring Iproseso Ang Inyong Pansariling Datos Sa Ibang Bansa. Sa Saklaw Ng Paglilipat Ng Inyong Pansariling Datos, Tinitiyak Namin Ang Karampatang Pangangalaga At Pagsunod Sa Batas Ng Bansa Kung Saan Linipat Ang Inyong Pansariling Datos. Detalye Ng Paraang Ginamit Sa Pangangalaga Ay Maaaring Makuha Kung Inyong Hihilingin.

Ang Pangangalaga Sa Pansariling Datos Ay Mananatili Lamang Sa Tinakdang Panahon.

Mananatili Sa Aming Pangangalaga Ang Inyong Pansariling Datos Habang Ikaw Ay Kabilang Na Guro At Edukador Ng Kurikulum Ng Cha-Ching O Hangga’t Sinasabi Ng Pangangailangan Ng Batas. May Mga Pagkakataon Na Kinakailangan Na Panatilihin Nang Matagal Ang Inyong Pansariling Datos (tulad Kung Sakaling May Lumitaw Na Pagsalungat O Reklamo).

Bahagi D - Maaring Paggamit Ng Personal Na Datos Sa Awtomatikong Desisyon O Pagkilala

Kami, Ang Prudence Foundation, Maaaring Gamitin Ang Inyong Pansariling Datos Sa Awtomatikong Desisyon Na May Kaugnayan Sa Programa O Sa Pagsasagawa Ng Ibang Pagkilala (halimbawa, Pagkilala O Pagtukoy Sa Bilang Ng Hindi Matagumpay Na Pagtatangka Para Sa Pagkuha Ng CCFA O Karagdagang Pagsasanay).

Bahagi E - Gamit Ng Sensitibong Pansariling Datos

Kailangan Maiproseso Ang Inyong Sensitibong Pansariling Datos, Tulad Ng Impormasyon Kaugnay Sa Kasarian At Edad. Sa Lawak Na Kailangan Namin Ang Inyong Pahintulot Sa Pagproseso Ng Ganitong Uri Ng Datos Na Inilarawan Sa Bahagi C At D, Magbibigay Kami Ng Detalye Sa Paglikom At Paghingi Ng Inyong Pahintulot.

Bahagi F - Ikaw Ang May Hawak (control)

Mayroon Kang Karapatan Na Nakasaad Sa Lokal Na Batas Pagdating Sa Kung Paano Gagamitin Ang Pansariling Datos. Kung Nais Mong Ipatupad Ang Iyong Karapatan O Humingi Ng Paliwanag Tungkol Sa Mga Karapatang Ito, Maaaring Makipag-ugnay Sa Impormasyong Ibinigay Sa Makipag-ugnay Sa Amin Na Bahagi Nito.

Kung Kinakailangang Makipag-usap Sa Amin, Taandaan Na Ang May Hawak Ng Datos (data Controller)[2] Sa Pansariling Datos Ay Ang Prudence Foundation Na Ang Rehistradong Opisina Ay Matatagpuan Sa: 13th Floor, One International Finance Centre, 1 Harbour View Street, Central, Hong Kong. Maaari Namin Subaybayan O Itala Ang Mga Tawag O Iba Pang Komunikasyon Sa Inyo. Ito Ay Para Sa Pagsasanay, Seguridad O Tulong Upang Matiyak Ang Kalidad Ng Programa.

Bahagi G - Kumatawan Para Sa Iba?

Hindi Pinahihintulutan Ng CCFA Ang Ibang Tao O Ang Kinatawan Upang Siyang Magbigay Ng Iyong Pansariling Datos.

Bahagi H - Direktang Kalakal

Maaaring Gamitin/ibahagi Ang Inyong Datos Sa Pagsasagawa Ng Direktang Kampanya Upang Mag-alok Ng Seguro Pangkalusugan At/o Kaugnay Na Pampinansyal Na Produkto At Serbisyo, Kabilang Ang Mula Sa Miyembro Ng Prudential Group At Ng Kanilang Kasosyo Sa Business At Marketing; At Iba Pang Produkto At Serbisyo Ipinagkakaloob Ng Nabanggit Sa Itaas Na Grupo O Kasosyo.

Ang Impormasyon Na Gagamitin/ibabahagi Ay Ang Pangalan At Kahit Na Anong Detalye Na Maaring Makipag-ugnay Sa Inyo Na Ibinigay Ninyo Sa Pamamagitan Ng Paggamit Ng CCFA Website. Gagawin Lamang Ito Kung (saan Nauukol Ang Batas At Tuntunin Na Ipatutupad) Kayo Ay Nagbigay Ng Pahintulot Sa Paraan Na Hinihinging Kailangan Ng Batas At Tuntunin.

Maaari Kayong Magpadala Ng Liham Kung Nais Niyong Baguhin Ang Kagustuhan Sa Pagtanggap Ng Mensahe Ng Aming Direktang Kalakal Sa Detalye Nakasaad Sa Bahaging Makipag-ugnay Sa Amin.

Makipag-ugnay Sa Amin

Kung Nais Na Ipatupad Ang Karapatan Sa Bahagi F O H O Kaya Ay Kailangan Ng Iba Pang Impormasyon Tungkol Sa Kahit Na Anong Bahagi Ng Abisong Ito, Maaari Kayong Makipag-ugnay Sa Amin Sa Pamamagitan Ng Pagpapadala Ng Email Sa prudence.foundation@prudential.com.hk

Tungkol Sa Abisong Ito

Ang “Prudence Foundation” Ay Ang Pangkomunidad Na Pamumuhunang Sangay Ng Prudential Corporation Asia. Ang Prudential Corporation Asia Ay Isang Pangkat Ng Prudential Plc Ng United Kingdom. Alinman Sa Prudential Corporation Asia O Prudential Plc Ay Kaanib Sa Anumang Paraan Sa Prudential Financial Inc., Ang Kompanya Na Ang Pangunahing Lugar Ng Negosyo Ay Nasa United States Of America. Sa Taiwan At Korea, Ang Prudential Corporation Asia Ay Nangangalakal Ng Paseguruhan Sa Ilalim Ng Pangalan Ng PCA. Ang Ari-ariang Pamamahalang Negosyo Nito Sa Asya Ay Pinapangasiwaan Sa Ilalim Ng Pangalan Ng Eastspring Investments.

Ang “Prudential Group” Ay Nangangahulugang Na Prudential Plc, Prudential Holdings Limited At Iba Pang Kaanib Ng Prudential Plc. Ang Prudential Plc Ay Hindi Kaanib Sa Kahit Na Anong Paraan Sa Prudential Financial, Inc., Ang Kompanya Na Ang Pangunahing Lugar Ng Negosyo Ay Nasa United States Of America O Sa Prudential Assurance Company, Sangay Ng M&G Plc, Kompanya Kasama Sa United Kingdom.

Prudential Corporation Asia Ay Nangangahulugang Na Prudential Corporation Asia Limited

“Mga Kasosyo Sa Negosyo At Kalakal” Ay Nangangahulugan Na Mga Tagapagtustos, Mga Tagatuos, Mga Tagasuri, Mga Nagbibigay Ng Serbisyong Panteknolohiyang Kaalaman At Plataporma, Mga Tagapamagitan, Mga Tagapagseguro/takaful Na Mga Tagapamalakad, Tagapamahala Ng Kapital, Mga Ahente, Mga Tagapangasiwa Ng Pensiyon (at Iba Pang Stakeholders), Mga Tagapamaraan, Mga Tagapagpakilala, Mga Piling Mga Ikatlong Partidong Pinansiyal At Paseguruhan/ Tagapagtustos Ng Produktong Takaful, Mga Tagapag-anunsiyo, At Mga Tagapayong Panlegal.

[1] Ang Cha-Ching Financial Accreditation ay inihahatid sa inyo ng Prudence Foundation na may rehistradong tanggapan sa: Ika-13 Palapag, One International Finance Centre, 1 Harbour View Street, Central, Hong Kong.

[2] Tagapamahala ng Datos – Isang likas o juridikal na tao, pampublikong awtoridad, ahensya, o ibang katauhan na mag-isa o kasama ng iba ay tumutukoy sa layunin at pamamaraan ng pagproseso ng personal na datos.

Patakaran sa Pagkapribado Mga Tuntunin at Kundisyon Cookie Settings
Copyright © . Assessment Portal