Ang Cha-Ching Money Smart Kids ay isang programang pampinansyal na kaalaman na dinisenyo upang mabigyan ang mga batang may 7 hanggang 12 taong gulang ng sapat na kaalaman, mga kagamitan at mga pagsasanay na kailangan nila sa pagagwa ng mga pampinansyal na pagpapasya upang makamit ang kanilang pansariling layunin at mga pangarap.
Binuo ng Prudence Foundation kasama ang Cartoon Network Asia at ng dalubhasa sa pambatang edukasyon, Dr. Alice Wilder, ang balangkas ng kuwentong patungkol sa apat na susing konseptong pampera: Kumita, Mag-ipon, Gumastos at Magkawanggawa. Karamihan sa mga bata nakikita lamang ang paggastos subalit kailangan din na maunawaan na ang kumita, mag-ipon, gumastos at magkawanggawa ay ikot ng pera at ang mga ito ay pagpipiliang kailangan nilang gawin araw-araw, habang buhay.
Naniniwala kami na ang pampinansyal na kaalaman ay isang kritikal na kasanayan sa buhay na kailangang maikintal sa batang edad at maituro sa maayos na paraan. Dahil dito, ang Prudence Foundation nakipagsosyo sa JA Asia Pacific upang mabuo ang Kurikulum ng Cha-Ching na tutugon sa pangangailangang panlipunan na makapagpapatibay sa pundasyon ng lokal maging ng pandaigdigang ekonomiya sa hinaharap.Ang pagtutulungan ay naglalayon na makapagbigay ng lubhang mahalagang bahagi sa kurikulum ng paaralan na tutulong sa mga paaralan at mga guro na maikintal ang apat na susing konseptong pamamahalang pampera ng Kumita, Mag-ipon, Gumastos at Magkawanggawa sa pang-araw-araw na buhay ng mga mag-aaral.
Hatid ng kurikulum ng Cha-Ching sa mga paaralan ang pinakamahusay na edukasyon sa kaalamang pampinansyal upang matiyak na ang mga mag-aaral ay may sapat na kinakailangang kasanayan sa responsableng pampinansyal na pagpapasya sa bawat yugto ng kanilang buhay. Ang mga guro ay sinanay upang maihatid ang kurikulum at maituro sa mga mag-aaral ang susing konsepto ng kumita, mag-ipon, gumastos at magkawanggawa
Bilang bahagi ng aming patuloy na pagsisikap na maiangat ang tiwala sa sarili ng mga guro sa paghahatid ng mataas na kalidad ng kurikulum, ang Cha-Ching Financial Accreditation -CCFA ay nabuo upang makalikha ng ekosistemang pampropesyonal na pag-unlad,makapagbigay ng inspirasyon sa pagpapahusay at makilala ang natatanging gawa ng mga guro at mga edukador.
Sa pamamagitan ng malawakang pananaliksik, nabuo ang CCFA batay sa dalawang susing kilalang balangkas:
-
OECD Balangkas ng Pangunahing Kasanayan(kompetensi) sa Pampinansyal na Kaalaman pasa sa Kabataan; Nakamapa sa
balangkas na ito ang susing konseptong pampera ng Kumita, Mag-ipon, Gumastos, at Magkawanggawa. At
-
Ang mga sertipikadong guro ng CCFA, mga dalubhasang tagapagsanay at iba pang stakeholders sa ekosistemang CCFA
ay may pagkakataon na mas makilala at matuto sa iba pang katulad na mga propesyonal sa rehiyonal na kumperensiya
ng CCFA.
Inaayayahan namin kayo na maging bahagi ng komunidad ng CCFA, upang makatulong sa pag-aangat ng kakayahan sa
pampinansyal na kaalaman, makilala ang mga nagawa ng mga guro at makapagbigay inspirasyon ng kahusayan sa buong
ekosistema ng edukasyon.